Taong 1935 isinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 3 na, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungko sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon na ang Tagalog na ang batayan bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ngutin, hindi lahat ay sangayon sa pagpapatupad nito, marahil hindi naman tagalog ang isinasalita ng mga Pilipino sa buong bansa. May iba’t ibang wika tayong ginagamit. Kaya’t sa panahon ng Rebulusyunaryong Gobyerno sa ilalim ni Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon na isinasaad sa Artikulo 14 Seksyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”